THE PROBLEM IS...
Ang aga ko umuwi kahapon!
Pagsulpot ng "1" in place of "0" sa 5:30 PM, sumibat nako. Tapos pagdating ko ng MRT North, bumuhos ang napakalakas na ulan, na pa-diagonal (55degrees to vertical) ang bagsak dahil sa lakas ng hangin. Wala akong kapayong-payong. Ni wala rin akong jacket. Ang dala ko lang yung bag ko at mga magazines na ninenok sa office. Yun nalang ang pinang cover ko ng ulo ko sabay takbo! Mula sa MRT hanggang sa walkway... patungong foot bridge... tinakbo ko hanggang SM North. Pagdating ng SM, basang-basa ako parang sanggol na kalalabas lang sa tiyan (sinapupunan) ng ina. Tiyan ng*!na nyan bakit kasi di ako nagdala ng payong eh?! Ginaw na ginaw tuloy ako pagpasok sa mall! Doon kasi ako inaabangan ng aking nanay. Tinext ko pa sya dahil hindi ko sya makita. Itatanong ko sana kung san sya banda sa may Jollibee dahil ilang beses na ako palibut-libot doon, hindi ko pa sya nakikita. "Message sent." Paglingon ko sa harap, nakita ko ang mama ko. Sayang ang piso!! Ibalik ibalik!! Ma, text bak ka sakin baka bumalik ung piso ko!! Last piso ko na kasi yun eh! Pero nalaman ko lang yan nung pinagtext ako ni Mama kay ate kung nasan na sya. Naniniwala kasi sya na mas mura pag Globe to Globe. At hindi rin nga ako sure dito. Mas mabuti na ngang maging safe at maka-save sya ng P1.50. Piso lang naman ang mababawas sakin. Mahirap magsend ng message kahapon. Either "Message sending failed" o "Message cannot be sent at this time" ang sasabihin sayo. Pero nagtyaga parin ako. At least hindi....
"Check Operator Services" Wakanang&%$#!@! Wala na pala akong LOAD?!?!?!!! Buwaka ng chennes naman o!! Sabi ko na nga ba dapat chineck ko muna ung balance ko bago ako nagtetetetext eh. O dapat siguro hinanap ko muna ng mabuti si mama sa Jollibee para at least may piso pa ako. Para may pangtext pa kay ate. Naku ganun din pala! After nun wala rin akong load!! Pero at least... buti nalang may cellphone pa ako at pwede pa akong ma-reach. At meron pa akong batt....
Shet!!! Warning na Low-batt na ako!! Ano ba yan! Radyo kasi ako nang radyo eh! Hindi ko naman alam ang lakas palang maka-ubos yun ng batt! Teka lang, teka lang... baka akalain nyong ang tanga-tanga ko't hindi ako nagi-isip ha. Well, alam ko naman yan, nawala lang sa isip ko.
Anyway, ok na ako ngayon. Full batt na ulit ako, at mamaya-maya lang bibili naman ako ng call card. Ok lang pala. May solusyon naman pala kung may problema ka. =)