{ J A M K A B L A M ! }

29.11.04

Fed up

Tulala nanaman, nagugulumihanan
Daandaang libong pinagi-isipan
Nagu-unahang mabigyang katarungan

Hindi na kinakailangan
ng panibagong kakwentuhan
Sapat na ang hinagpis
ng mga kaibigan

Nasaid na yata ang hangganan ng konsensya
At pag pinagsama-sama, isang malaking disgrasya
Parang malaking along lulunod sa murang kaisipan
Hihigop at lulunok sa pumipiglas na kabataan

Sasabog na ang damdamin
Hindi na kayang kontrolin
Pilay na ang magandang samahan
Nalalapit na ang pamamaalam..

At pagtapos ng lahat
Babalik-balikan
Kabataang namihasa
Sa masayang pagkakaibigan

Magmula rito'y banayad na lilisan
Hinihiling na wala sanang pagsisihan
Habang baon habambuhay na katanungan
"Ito nga ba ang hinahangad kong kalayaan?"