Ano ba yan! Shet! Wala pang tumatawag saakin na kumpanya.. well, except sa Femar, isang chivaru color separation company na nasa Makati (sila ung mga nagpprint ng print ads for agencies like McCann etc..). Bakit magastos? Simple lang. One word. Bulacan. I really don't have anything to blog about. Pero parang gusto ko na ulit palitan ung layout ko! hahahahaah! Baka asarin nanaman ako nila Pia...
Well, linulunok ko na ang sinabi ko dati. Mas matino parin ung layout na kita lahat... ummm... u know!
Tapos eto pa... excited na akong matapos ung php module ko. Para akong hestudyante ngayon eh, I'm studying php and mysql tapos nagpapatulong ako kay stephen pag may di naiintindihan... teka speaking of Stephen...
nanalo kaya si STEPHEN FERNANDEZ bilang konsehal sa ika ewang distrito ng Maynila? Si Stephen Fernandez nga pala ang guro namin sa Taekwondo noong 2nd year yata yun? Tapos coach din sya dati ng Philippine team... tapos ung poster nya, naka side kick round house pose with FPJ's face on top (opacity ay siguro 60%)... Take note: nasa party ni FPJ! Well, no comment =)
Friends, sa palagay ko wala pa kayong balita na short hair na ulit ako ngayon. anyway, hayan. Eye candy for you (yuck!! hehe) Tapos ung hairline ko sa may leeg shinave... kadiri nga para akong semikal underneath. pero humaba na sya kaya hindi na nakakaenjoy hawakan.. dahil dyan, bumili ako ng Gilette Rubie from Manong's store at shinave ko ulit ito sa banyo. Syempre tagung-tago ako sa ate ko. baka malaman kasi nya, bawalan pa ako. Eh kating kati na kasi ako kaya walang makakapigil sakin! Ang saya saya na ng feeling ng ulo ko ngayon. Para akong long-leeg(ed) hahah!! Pero higit na mas masaya, ung pagsheshave ko. Ang sarap pala magshave ng buhok, bakit hindi proud ang mga lalaki dito?
Hay nako, si Vilma, ung kasama namin sa bahay na may twin sister na Nora ang name, umuwi na sa Pangasinan! Mag aaral kasi sya sa pasukan. Kaya hayan. Habang wala pang trabaho ang inyong lingkod ay magmimistulang katulong muna ako. Tapos na kong magbunot, magwalis, magpakain ng aso, mag ayos ng kama, at magwalis sa garahe na ang daming dahon (parang autumn dito sinasabi ko sainyo!) Kailangan ko naman ngayong mag hugas ng plato. Ciao!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home